News Update

Tatlong palayok

Sa isang Christmas party ng mga kaanak ng mga desaparecido noong Disyembre 26, nagbasag ng mga palayok na may mukha nina Pangulong Arroyo, National Security Adviser Norberto Gonzales, at Hen. Jovito Palparan, na kanilang sinisisi sa pagkawala ng mga mahal sa buhay. Kamakailan, sinabi ni Court of Appeals na imposibleng walang kinalaman si Palparan sa pagdukot at tortyur ng magkapatid na Manalo, mga testigo sa pagdetine ng militar sa dalawang estudyanteng sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan.

(Kuha ni Miguel Cabral sa Bantayog ng mga Bayani, Quezon City)