News Update
Magsasaka ng Timog Katagalugan nagkampo sa labas ng Kamara
NAGKAMPO sa harap ng Kamara ng mga magsasaka at mga katutubong sapilitang lumikas sa Quezon para irehistro ang pagtutol nila pandarahas ng mga militar sa kanilang mga bayan.
Ipinanawagan din ng mga magsasaka ng Kasama-TK (Katipunan ng
mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan) ang pag-abandona sa pagpalawig sa
Carp (Comprehensive Agrarian Reform Program) na anila’y gatasan lamang ng mga
kapitalista at panginoong maylupa.
Ayon kay Orly Marcellana, kalihim ng Kasama-TK, ang
malawakang militarisasyon sa kanayunan ay nagpapatindi ng kahirapan at
nagdudulot ng malawakang paglikas ng mga residente.
Sa kabilang banda, ipinanawagan din sa naturang protesta ang kagyat na pagsasabatas sa HB (House Bill) 3095 o ang Genuine Agrarian Reform Bill na naglalayong bigyan ng lupa ang mga walang lupa.
RSS