News Update
Oposisyon sa Kamara, di sangkot sa pagpapatalsik kay JDV
“HINDI kami kasali diyan.”
Itinanggi ni Rep. Ronaldo Zamora, lider-miyorya sa Kamara, na sangkot ang oposisyon sa planong pagpapaalis sa puwesto kay Espiker Jose de Venecia.
Sinabi ni Zamora na walang lumapit sa kanila mula sa mga kalaban ni De Venecia para kunin ang boto nila.
Ilang miyembro diumano ng Lakas-Christian Muslim Democrats ang nagpaplanong patalsikin si De Venecia sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara ngayong Lunes, ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita.
Pinangungunahan umano ni Davao Rep. Prospero Nograles ang mga miyembro ng Lakas upang patalsikin ang Speaker.
Inamin naman ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, pangalawang lider-minorya sa Kamara, na di siya nasisiyahan sa pamumuno ni De Venecia. Gayunman, mas mainam na huwag na munang palitan si De Venecia para magpatuloy ang gawaing lehislatibo ng mga makabayan sa Kamara.
RSS