News Update
Higit 400 pamilya lumikas sa operasyong militar
Mahigit 400 pamilya ang lumikas sa kanilang mga tahanan sa Davao Oriental bunsod ng operasyon ng militar laban sa NPA (New People’s Army).
Kabilang dito ang 330 pamilya mula mga barangay ng San Victor at Kampawan, Banganga sa naturang sa lalawigan.
Ayon sa ulat ng Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, nagdudulot umano ang operasyong militar ng maraming pag-abuso kabilang ang mga ilegal na pagdakip, pagpapahirap at pagdukot sa mga sibilyan.
Dagdag pa rito ang pagpapasabog ng militar sa ilang matataong lugar kung kaya’t maraming inosenteng mamamayan ang naaapektuhan. Paliwanag naman ni Lt. Col. Rolando Bautista, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Army, ang nasabing pagpapasabog ay naganap sa engkuwentro sa pagitan ng miltar at mga NPA noong Enero 30.
Kaugnay nito, dumating ang iba pang grupo ng sundalo sa lungsod ng Mati noong Sabado makaraang ipagutos ni Pangulong Arroyo ang paglikha ng IDF (Investment Defense Force) upang protektahan ang mga minahan sa lungsod laban sa NPA.
Related Articles
- Pang. Arroyo hinimok na manawagan ng tigil-putukan sa Palestine
- Katutubo sa Kordilyera, sama-sama sa paghahanap kay James Balao
- Pagpapatalsik kay Gloria, muling ipinanawagan sa Pangdaigdigang Araw ng Karapatang Pantao
- Pinas pinakadelikado para sa brodkaster –IFJ
- Countdown kontra Cha-cha sinimulan ng kabataan
RSS