News Update
Rodolfo Noel Lozada: "Bayani"
Itinuturing ng marami na bayani si Rodolfo Noel "Jun" Lozada na humarap sa Senado noong Pebrero 8 matapos dukutin, papirmahin ng pekeng mga affidavit, tangkahing suhulan, at takutin--lahat diumano sa utos ng Malakanyang. Isiniwalat ng presidente ng Philippine Forestry Corp. na may $130 Milyong kickback si dating Comelec komisyuner Benjamin Abalos sa kontratang ZTE-NBN at siniguro ni Unang Ginoo Mike Arroyo na maaaprubahan ang $329 M na utang sa Tsina. Si Lozada ay konsultant ni Romulo Neri, dating direktor ng National Economic and Development Authority na naunang nagsiwalat ng P200 M tangkang suhol ni Abalos para maaprubahan ang kontrata.
(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

RSS