News Update

Neri 'kahihiyan' sa UP

Dinumog ng mga estudyante, guro, at empleyado ng University of the Philippines-Diliman si Kal. Romulo Neri ng Commission on Higher Education na dumalo sa pulong ng Board of Regents noong Marso 27. Diumano'y "kahihiyan" sa UP ang patuloy na pananahimik ni Neri sa pagkakasangkot ni Pangulong Arroyo sa anomalyang NBN-ZTE. Nanawagan sila ng pagbibitiw ni Neri bilang tagapangulo ng BOR ng unibersidad. (John Clemente)