News Update

13 anyos, patay, iba pa, sugatan sa pamamaril ng sundalo sa Quezon

in
Soliman A. Santos

ISANG 13 anyos na batang babae ang namatay at ilan pang sibilyan ang nasugatan nang walang habas na paputukan ng pinaghihinalaang mga militar sa probinsiya ng Quezon noong Abril 15, 2008.
Ang biktima ay kinilalang si Monica Cascer, na pinalalabas umanong miyembro ng NPA (New People’s Army) ng mga militar. Bukod kay Cascer, sugatan rin ang ilang bata at mga ina sa insidente sa General Nakar, Quezon.

Kabilang sa mga sugatan ang 21 anyos na si Rose Ann Gumanoy, anak ni Eddie Gumanoy, pinaslang na tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Mindoro noong 2003. Dinakip ang batang Gumanoy dahil pinagbibintangan itong kasapi ng NPA.

Ayon sa Karapatan-Timog Katagalugan, kasalukuyang nasa V. Luna Hospital sa Lungsod ng Quezon ang mga biktima at patuloy na iniinteroga ng mga militar. Nagangangamba ang ina at abogado ng biktima dahil hindi umano sila pinapayagang makadalaw sa loob ng ospital.