2,000 katao lumikas dahil sa baha sa Negros

in

TINATAYANG 2,000 katao ang lumikas dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Butchoy na nagdulot ng pagbaha sa Negros Occidental.

Isang 15-anyos na babae ang naitalang nalunod at isa pa ang nawawala dahil sa bagyo.

Ayon sa awtoridad, tumatawid sa tulay sina Melanie Elardes at Marilyn Oliverio, parehong 15-anyos, sa Brgy. Guilhungan sa bayan ng Cauayan, bandang alas-diyes ng umaga noong Mayo 12 nang tangayin sila ng mabilis na ragasa ng tubig.

Natagpuan na ang bangkay ni Oliverio habang nagsasagawa pa rin ng operasyon para matagpuan si Elardes.