News Update
33 pribadong kolehiyo sa Visayas magtataas ng matrikula
TATLUMPU'T tatlong kolehiyo sa Western Viasayas ang magtataas ng matrikula sa darating na pasukan.
Batay sa rekord ng rehiyunal na tanggapan ng Ched (Commission on Higher Education), 28 eskwelahan ang magtataas ng kanilang matrikula na aabot sa walong porsiyento.
Pinakamataas ang antas ng pagtataas ang magaganap sa Kabankalan Catholic College sa Negros Occidental, na aabot sa 15 porsiyento, at pinakamababa naman ang AMA Computer College, na aabot sa tatlong porsiyento.
Lima pang eskwelahan ang magtataas ng miscellaneous fees.
Inaasahan ding magtataas ng matrikula ang mga kolehiyo at unibersidad na pinatatakbo ng gobyerno.
Agad naman itong binatikos ng militanteng grupong League of Filipino Students dahil lalo lamang umano itong magdaragdag sa mga kabataang hindi makapag-aral lalo na ngayong pinahihirapan ng mataas na presyo ng langis at mga batayang produkto ang mga mamamayan.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS