Hudikatura palalakasin

in

Ilang-Ilang Quijano

PALALAKASIN ang hudikatura ng bagong tatag na Jelacc (Judicial Executive Legislative Advisory and Consultative Council) para makatugon sa mahinang pag-iral ng rule of law sa bansa na kinakitaan ng pagpatay ng mga aktibista at huwes.

Noong Mayo 13, pinirmahan nina Pangulong Arroyo, Chief Justice Reynato Puno, at Senate President Manuel Villar, mga kinatawan ng tatlong sangay ng gobyerno, ang Memorandum of Agreement na nagbuo sa Jelacc.

Layon na solusyunan ng konseho ang mga usapin ng badyet at imprastruktura ng hudikatura, pagtatayo, pagpupuno ng mga posisyon, at kompensasyon at seguridad ng mga opisyal ng hudikatura.

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan ang pagbuo ng Jelacc sa Summit on Extra-judicial Killings and Involuntary Disappearances ng gobyerno noong Hulyo 2007.