News Update
Ka Dan Vizmanos, pinarangalan ng Bayan
Ann Michelle V. Mailed
GINAWARAN ng parangal ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) si Danilo Vizmanos, retiradong navy captain, sa malalaking ambag niya sa progresibong kilusan.
Dinaluhan ng kanyang mga kapamilya at iba pang tagasuporta ni Vizmanos ang parangal noong Mayo 5 sa Mini Theater ng Pamantasan ng Makati.
Kabilang sa mga nagtalumpati ay sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Marie Hilao- Enriquez ng Karapatan at Carol Araullo ng Bayan na nagpugay sa dakilang lider ng Bayan. Ipinarating din sa pamamagitan ng recorded message ni Prop. Jose Maria Sison ang kanyang papuri kay Vizmanos.
Si Vizmanos ay nagsilbi sa AFP (Armed Forces of the Philippines nang 20 taon. Pinuna niya ang korupsiyon at intrigahan sa matataas na opisyal ng AFP. Noong 1971, nagsulat siya ng kontrobersiyal na dissertation hinggil sa sosyalistang republika ng Tsina. Noong ideklara ang batas militar, nagretiro siya at naging aktibo sa pambansang demokratikong kilusan. Inaresto siya at ilang taong nadetine.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS