News Update
Madalas na sakit sa balat ng mga tsikiting sa tag-araw (huling bahagi)
Perry Cuicho
ISANG uri ng impeksiyong dulot ng bakteryang streptococcal ang impetigo contagiosa. Karaniwang tumutubo ang sakit na ito sa mukha, leeg at kamay.
Isa itong matigas na umbok lamang sa simula, na nagiging parang paltos at kapag pumutok ay naglalangib-langib. Madali itong kumalat kapag kinamot at nakakahawa kapag nahawakan.
Karaniwang nakukuha ang sakit na ito sa ating mga alagang hayop, maruming kuko at maging sa ibang batang nakakasalamuha nating may ganitong uri ng impeksiyon.
Kumonsulta sa inyong doktor para sa angkop na antibayotikong iinumin.
Laging panatilihing maikli at malinis ang ating mga kuko upang makaiwas. Panatilihing malinis at tuyo ang ating balat. Labhan din ang damit, tuwalya, kumot at panloob (underwear) na ginamit ng maysakit para hindi kumalat ang impeksiyon.
Pityriasis versicolor
Karaniwang sintomas ng sakit na ito ay ang pagkakaroon ng namumuti o mala-kayumangging mga diskolorasyon sa balat. Dulot ito ng isang uri ng fungi na kumakapit sa pinakaibabaw na bahagi ng ating balat.
Kapag nagkaroon ng pityriasis, maaaring makaranas ng madalas na pangangati ang pasyente.
Magpakonsulta sa isang derma-tologist para sa angkop na gamot na iinumin o ipapahid sa ating balat. Maaari ring gumamit ng loofa o pinatuyong patola bilang panghilod para maalis ang pangangaliskis. Nakatutulong ito para sa mabilis na paggaling ng pasyente.
Para makaiwas, pana-tiliing malinis ang ating katawan at tuyong lagi ang ating mga balat.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS