News Update
Maralita nagkaraban sa North Caloocan
MATAGUMPAY na inilunsad ng People’s Caravan ang ikalawang krusada nito sa Bukid Area, North Caloocan noong Mayo 9 para ipanawagan ang sama-samang pagkilos ng mga maralitang lungsod tungo sa paghahanap ng “katotohanan, katarungan at pagbabago”.
Bitbit ang makukulay na laso at likhang-sining na naglalarawan sa kahirapang dinaranas ng mga mamamayan, nagmartsa ang mga kalahok sa karaban mula sa St. Joseph the Worker Parish hanggang sa Holy Rosary Church.
Dinaluhan ang programa ni Obispo ng Novaliches na si Most Rev. Antonio Tobias, misyonaryong si Fr. Paul Foullon, at iba’t-ibang organisasyong pansimbahan at pangkomunidad tulad ng Parish Youth Ministry, Tala Hansenite’s Council, at Kalipunan ng Damayang Mahihirap.
“Buksan ang mga mata, buksan ang mga bibig. Huwag huminto, tayo na mismo ang gagawa ng pagbabago,” pahayag ni Tobias.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS