News Update
Migrante sumama sa tigil-pasada ng Piston
NAGPROTESTA noong Mayo 12, kasama ng mga tsuper, ang mga kasapi ng Migrante International para kondenahin ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo, igiit ang pagbasura sa Evat (expanded value-added tax) sa langis, batas sa deregulasyon at pagbuwag sa mga kartel.
“Hindi na kakayanin pa ng mga Pilipino, lalo na ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) ang panibagong pagsirit ng presyo ng langis, na nagbubunsod naman sa pagtaas din ng presyo ng iba pang batayang mga bilihin. Hindi na sasapat ang kinikita namin,” pahayag ni Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante.
“Dapat na papanagutin ang kartel ng langis na pangunahing kumukontrol sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa,” bigay-diin ni Bragas-Regalado.
Liban dito, binatikos din ng Migrante ang gobyerno dahil sa hindi makatarungang singil na ipinapataw nito sa isang OFW.
Pinuruhan ng Migrante ang 30¢ singil para sa documentary tax kapag nagpapadala ang isang OFW ng halagang P200 para sa kanyang pamilya dito sa Pilipinas. Sa pagtaya ng Migrante, kumikita nang hindi kukulangin sa P2=Milyon ang gobyerno mula rito.
Bukod sa bayad sa documentary stamp, inireklamo rin ng Migrante ang iba pang singil gaya nang kumisyon at iba pang kaltas ng mga bangko sa kanilang ipinadadalang pera sa bansa.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
Related Articles
- Sa deportasyon ng OFW sa Sabah: Malaysian Airlines, iboboykot?
- Gobyerno, wag magpadalus-dalos sa pagtanggal ng ban sa Iraq --Migrante
- Para kontrahin ang VAT, boykot sa remitans ipinanawagan ng migrante
- Pinauwing Pinoy sa S. Korea, tulungan – APMM
- 1,000 paglabag sa karapatan ng OFW sa Gitnang Silangan sa ’07
RSS