News Update

Pagbabalik ng kronyismo ibinabala

in

Ilang-Ilang Quijano

NAGBABALA ang United Opposition laban sa pagbabalik ng kronyismo sa antas ng pag-iral nito noong Batas Militar, sa pagpapatuloy ng tangka ng GSIS (Government Service Insurance System) na i-takeover ang Meralco (Manila Electric Company) mula sa pamilya Lopez.

Ibinunyag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na umano’y nais kontrolin ang industriya ng enerhiya ng mga pamilyang naka-base sa Cebu na Aboitiz, Alcantara, at Garcia, kilalang malapit sa Pangulo.

Isinisi naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang Energy Regulatory Commission para sa pag-apruba nito sa ilegal na mga singil ng Meralco.

Inireklamo na rin ng Confederation for the Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees o Courage ang paggamit sa kanilang pondo sa GSIS para sa diumano’y pamumulitika ng administrasyong Arroyo.

Nagsagawa naman ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ng 15-minutong lights out sa Barangay Bagong Pag-Asa, Quezon City noong Mayo 19 laban sa mataas na singil sa kuryente.