News Update

Pagmimina, tinutulan ng katutubo

in

Nordis

Lungsod Baguio - Tinutulan ng mga katutubong naninirahan sa Brgy. Lamag, Quirino, Ilocos Sur, ang planong pagmimina sa kanilang lugar at iginiit ang kanilang tradisyunal na pagmamantina at paggamit ng mga likas-yaman.

Balak sana ng Phelps Dodge na magmina sa lugar ng mga katutubo subalit hindi ito nakatanggap ng sapat na pagsang-ayon mula sa mga residente nang magsagawa ng isang referendum ang National Commission on Indigenous Peoples ng Ilocos Sur.

Sa resulta ng botohan, 34 lamang sa mga residente ang bumoto nang pabor sa pagmimina samantalang 118 naman ang hindi.

Anang mga katutubo, hindi nila basta mapapayagang mawala ang kagubatang pinagkukunan nila ng kabuhayan at pati na rin ng kanilang iniinom na tubig.