Pagpatay sa Lider-sityo sa Digos inako ng NPA

in

PW Mindanao

INAKO ng NPA (New People’s Army) ang pagpaslang kay Paterno Intes, lider ng Sityo Paradise, Brgy. Kapatagan, Digos City noong Mayo 8.

Ayon sa pahayag ng Magtanggol Roque Command ng NPA sa Southern Mindanao, “pinarusahan” si Intes hindi dahil lider ito ng sityo kundi dahil sa agresibong paggampan bilang “ahente” ng AFP (Armed Forces of the Philippines) sa naturang lugar.

Sinabi ng NPA na hindi ordinaryong lider ng sityo si Intes kundi armado at aktibong lider-paramilitar ng 39th Infantry Battalion ng AFP.

Pinatunayan umano ito ng nasamsam na mga armas tulad ng M79 grenade rifle launcher, 1 garand rifle, 3 granada at 7 shotgun sa bahay ng biktima.

Ayon sa NPA matagal na nilang binalaan si Intes hinggil sa pagtatrabaho nito sa AFP subalit hindi ito nakinig. Nilinaw naman ng NPA na walang dapat ipangamba ang mga lokal na lider na gumagampan lamang ng kanilang tungkulin at hindi bahagi ng paramilitar ng AFP.