News Update
Panghaharas sa estudyante ng PCU kinondena
KINONDENA ng Tanggulan-Youth Network of Civil Liberties and Human Rights ang panghaharas ng mga ahente ng paniniktik ng Isafp (Intelligence Services of the Armed Forces of the Philippines) kay Glaiza Dimapilis, 19-anyos na lider-estudyante ng PCU (Philippine Christian University).
“Bahagi ang panghaharas sa mga lider-estudyante ng tangkang sawatahin ang nakaplanong mga protesta ng kabataan para sa nalalapit na Sona (State of the Nation Address) sa Hulyo,” ani Biyaya Quizon, convenor ng Tanggulan.
Reklamo ni Dimapilis, sinundan siya sa kanyang tahanan sa Brgy. Villamor, Pasay City ng nagpakilalang ahente ng Isafp na si Mike Santos mula Mayo hanggang 9. Iniulat umano ni Santos sa kanyang mga magulang na nasa OB (Order of Battle) siya ng AFP.
“Sinabi niya sa mga magulang ko na ginagamit ako na prente ng CPP-NPA-NDFP (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines),” aniya.
Nasa kustodiya ng simbahan ngayon si Dimapilis, miyembro ng Kristiyanong Kabataan para sa Bayan at opisyal ng konseho ng mga estudyante sa PCU simula 2006.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS