News Update
Tala Kaalaman
posted 07-May-2008
in
Boy Bagwis
Kababaihan makabuluhan ang papel sa produksyon
Alam n’yo ba na makabuluhan ang papel ng kababaihan sa produksiyon sa ilalim ng tradisyonal na konsepto sa mga kababaihan? Wala itong iniwan sa papel ng kababaihang Pilipina sa prekolonyal na panahon ng panlipunang pag-unlad.
Bago ang integrasyon ng tradisyonal na ekonomiyang Moro sa pangunahing agos ng ekonomiya ng bansa sa pagpasok ng ika-20 siglo, nanatili ang makabuluhang paglahok sa gawaing bahay lakip ang pag-aani at pag-iimbak ng mga butil, paggugulayan, pagtatanim ng lagutmon (rootcrop), paglalala, pamamalengke at iba pang mga gawain para sa tahanan ng kalalakihan.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS