News Update
Tala Kaalaman
in
Boy Bagwis
Produksiyon, di gawaing bahay
Alam n’yo ba na hanggang sa mga panahong ito, may mga agama o komunidad na nanatili pa ang pamilya bilang batayang yunit ng produksiyon? Hindi rin nila itinuturing na mababa at hindi produktibo ang gawaing bahay.
Ang ganitong kaisipan at kalakaran sa pang-araw-araw na panlipunang pamumuhay ay mas tampok sa mga komunidad Moro, karaniwan ang mga hindi tuwirang nakapailalim sa pagiging basalyo ng mga sultanato. Halimbawa nito ay ang komunidad ng mga Jama Mapun sa timog Palawan. Mas may pagkakapantay-pantay sa pagitan ng babae at lalaki sa ganitong sistemang panlipunan.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS