News Update
Tsino, Viet nangunguna, So, humahabol pa rin sa 2nd Philippine Open Chess Championship
PATULOY ang pagdomina nina grandmasters Li Chao ng Tsina at Le Quang Liem ng Vietnam sa 2nd Philippine Open chess championship na ginaganap sa Subic International Convention Center.
May 7.0 puntos na sina Li at Le habang pumapangalawa si Weiqi Zhou ng Tsina sa may puntos na 6.5.
Nakabawi naman si GM Wesley So mula sa ika-8 round na pagkatalo kay Li nang talunin niya ang kababayang si International Master Richard Bitoon.
May 6.0 puntos na si So sa palaro, isang puntos sa likuran ng dalawang nangungunang manlalaro. Nakatikim din ng pagkatalo si So kay Zhou.
Kagagaling lamang ni So sa isang linggong palaro at tila may epekto ito sa kanyang paglalaro.
“Mukhang pagod na si Wesley,” ani William So, ang ama ni Wesley. “Iniisip kong pagpahingahin muna siya.”
Ang 11-round tournament na iorganisa ng NCFP (National Chess Federation of the Philippines) sa ilalim ni Prospero “Butch” Pichay at Mayor Abraham “Bambol” Tolentino ng Tagaytay ay may kabuuang papremyong $40,000.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS