Unang anibersaryo ng laban ng Sentosa 27 ibinidyo

in

Isang bidyo-dokumentaryo ang inilabas ng Nafcon (National Alliance for Filipino Concerns), isang pambansang samahan ng mga organisasyong Pilipino sa US, bilang paggunita sa unang anibersaryo ng kampanya para sa Sentosa 27++—mga nars na niloko ng Sentosa Recruitment Agency, sa New York.

Likha ni Jonna Baldres, pangkalahatang kalihim ng Anakbayan New York/New Jersey, ang naturang bidyo-dokumentaryo.

Tinalakay ng mahigit sa 23 minutong bidyo ang kasaysayan ng kampanya para sa Sentosa 27++, mula sa pagkakatatag ng Justice for Sentosa 27++, hanggang sa pangangalap ng tulong pinansiyal at moral, para sa kanilang kaso.

Pinasalamatan ni Rico Foz, pangkalahatang kalihim ng Nafcon ang Migrante International, Alliance of Health Workers, Health Alliance for Democracy, Philippine Nurses Association, American Nurses Association, New York State Nurses Association, California Nurses Association at Service Employees International Union -Local 1199 dahil sa tulong nila sa Sentosa 27++.

Mapapanood ang bidyo-dokumentaryo sa YouTube: http://www.youtube.com/watch?v=XkzOiFYOovw.

Noel Sales Barcelona