News Update

Ano ang dapat gawin ng gobyerno para mapababa ang singil sa kuryente?

Actually, dalawa ang sagot

Actually, dalawa ang sagot ko. Tanggalin ang VAT bilang kagyat na hakbang. Ang pagbabasura ng EPIRA naman ay esensyal upang maitama ang maling patakaran ng gobyerno kaugnay ng industriya ng kuryente at ng buong sektor ng enerhiya.

Panghihinayang

Ikinalulungkot kong malaman sa isa sa mga patnugot mismo
ng Pinoy Weekly na si G. Bonifacio Ilagan ang balitang hindi
na makakapaglabas ang Pinoy Weekly ng print out kundi
online version na lamang. Nakakapanghinayang lalo na dahil
ginagamit itong babasahin ng aking 6 na klase sa pamantasan.
Itinatampok sa Pinoy Weekly ang mga napapanahong isyung
panlipunan lalo na yaong mga kinakaharap ng mga batayang sektor
gamit ang makabayan, malalim at kritikal na pagsusuri.
Kaiba ito sa naglipanang mga "basurang babasahin" sa paligid.

Prop. John Ponsaran
Development Studies Program
UP Manila

ok ako dyan sa mga sagot

ok ako dyan sa mga sagot nyo, pero kung hindi bababa ang presyo ng langis, tutuloy ang pagtaas ng kuryente. yun ang dapat asikasuhin ng gobyerno, paano pababain ang presyo ng gasolina