News Update
Tala Kaalaman: Bata-batalyong sundalong Amerikano sa Leyte
posted 04-Jun-2008
in
Boy Bagwis
ALAM n’yo ba na bago mahuli si Papa Faustino noong Hulyo 11, 1907 at bago tuluyang mawakasan ang Dios-Dios, nagalok ng pabuyang P2,000 ang gobyerno para sa ikadarakip kay Papa Faustino, patay o buhay?
Himingi naman ng ayuda mula sa Cebu si Gobernador Henry C. Ide kay Major General Leonard Wood, Komandante ng Dibisyong Pilipino para mahuli si Papa Faustino. Nagpadala si Heneral Wood ng apat na batalyong hukbong Amerikano sa Leyte.
Naghiwalay-hiwalay at pinaliit naman ng grupong pulahanes ang malaking puwersa nito kontra sa malaking bilang ng kaaway para gumamit ng taktikang gerilya.
RSS