News Update
Tala-Kaalaman: Amerikano, lumawak ang saklaw sa mga probinsiya
posted 18-Jun-2008
in
Boy Bagwis
Alam n’yo ba na noong Marso 30, 1899, nasa Malolos ang mga Amerikano?
Lumipat naman ang gobyernong Pilipino sa San Isidro, Nueva Ecija. Napasakamay ng mga Amerikano ang Iloilo at Cebu sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero. Noong Marso 4, maluwag namang tinanggap ang mga Amerikano ng mayayamang asenderong naging lider sa Republika ng Negros na naghangad na maprotektahan ang kanilang tubuhan dahil sa takot at lumalaking bilang ng mga rebelde.
RSS