News Update
Armadong grupo sa Bikol kinukunsinti ng militar?
Soliman A. Santos
Binatikos ng Karapatan-Bikol ang militar dahil umano sa pangungunsinti nito sa mga armadong grupo sa Sorsogon at ang sunud-sunod na paglabag sa karapatang pantao sa Albay.
Ayon kay John Concepcion, tagapagsalita ng Karapatan-Bikol, may itinayong armadong grupo sa probinsiya na tinatawag na Hukbalapas o Hukbong Bayan Laban sa mga Pasmado, na itinulad sa Hukbalahap o Hukbong Bayan Laban sa Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Subalit sa halip na mga Hapon, mga “pasmado” ang target ng Hukbalapas na tumutukoy sa mga New People’s Army.
Sinabi ni Concepcion na nabuo ang armadong grupo sa pamamahala ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army.
“Kinukondena namin ang gawaing ito at gusto naming maparusahan ang nagbuo sa Hukbalapas. Siguradong magdaragdag ito sa mga paglabag sa karapatang pantao sa Bikol at maaaring tularan pa ng iba pang armadong grupo,” ani Concepcion.
RSS