News Update
Elitistang Pinoy na nakipagsabwatan sa Kano
posted 11-Jul-2008
in
Boy Bagwis, Tala Kaalaman
Alam n’yo ba na inorganisa ng elitistang mga Pilipino sa pangunguna nina Pedro Paterno at Felipe Buencamino ang Association De Paz? Ilan sa prominenteng mga miyembro na kasama sina Cayetano Arellano, T H Pardo D. Tavera, Pedro Paterno, Leon Ma. Guerrero, Rafael Palma at Tomas Del Rosario. Lumikha ang organisasyong ito ng isamg komite na binubuo nina Leon Ma. Guerrero, Rafael Palma, Joaquin Lara, Aguedo Velarde, Pascual Poblete, Rafael Palma, Justo Lucban at Nazario Constantino upang pahupain ang paglaban ng mga Pilipino sa mananakop na mga Amerikano. Humingi ng akses ang Asociation De Paz sa komandanteng mga Amerikano upang makepagnegosasyon para sa pagsuko ng mga nakikibakang Pilipino na nasa kabundukan.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS