Molina pinakamaraming event sa Beijing Olympics

in

Darius Galang

DARATING sa susunod na linggo ang mga manlalangoy na lalahok sa Beijing Olympics, na sina Miguel Molina, JB Walsh, Ryan Arabjo, Daniel Coakley at Christel Simms para sa isang pre-Olympic camp na gaganapin ang camp sa Trace College aquatic center.

Napiling tagapag-salita sina Anthony Nesty, na nagwagi ng ginto noong 1988 sa 100-meter butterfly event, at Sergio Lopez na nakakuha ng pilak noong 1992.

Sa limang manlalangoy, pinakamaraming masasalihang event si Miguel Molina. Pasado siya sa paborito niyang 200-meter breaststroke, at lalangoy rin para sa 200-m freestyle at 200-m breaststroke.

Si Simms naman ay lalahok sa 100-m at 50-m freestyle. Tig-iisa namang event ang para sa tatlong natira. Sasabak si Arabejo sa 1,500-m freestyle, sa 200-m freestyle si Walsh, at 50-m freestyle si Coakley.

Mananatili ang lima sa camp mula Hulyo 27 hanggang Agosto 4, isang araw bago tumungo ang koponan, kasama ang ilan pang atletang Pinoy, sa Beijing bago magsimula ang Olimpiyada.