News Update
Pagbabalik tanaw sa mga kampeong Pilipino (Ikalawang bahagi)
Darius Galang
Maliban kina Pacquiao, Villa, Elorde, Navarette, Espinosa at Penalosa, may ilan pang Pinoy na nagkampeon sa haba ng kasaysayan ng larong boksing.
Ang pinakamabigat na kampeong Pinoy
Nakuha ni Ceferino Garcia ang korona ng middleweight noong 1939 nang pabagsakin niya si Fred Apostoli. Isa ring tanyag niyang laban ay kay Henry Armstrong, na ibinuno niya ng isang tabla. Sa kanya ibinigay ang karangalang magpauso ng tinawag na "bolo punch".
Ben Villaflor
Isa si Villaflor sa mga kampeong Pinoy sa dibisyong super-featherweight. Ang pinakamatingkad niyang panalo ay isang first-round na pagpapatumba kay Kuniaki Shibata upang makuha niyang muli ang korona ng WBA (World Boxing Association) noong 1973. Ngunit nabitiwan niya ito kay Sammy Serrano noong 1976.
Erbito Salavarria
Taong 1970 nang makuha ni Salavarria ang World Boxing Council flyweight sa pamamagitan ng pagpapatulog kay Charcthai Chionoi ng Thailand sa mismong kaarawan pa ng kanilang Haring Bhumibol. Nawala sa kanya ang titulo kay Venice Borkonsor, isa pang Thai, ngunit naging kampeon muli sa WBA laban kay Susumu Hanagata. Naligwag rin sa kanya ang titulo kay Alfonso Lopez ng Panama noong 1976.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS