Paolo, pinarunggitan si Dennis

in

Boy Villasanta

SA katatapos na ika-24 na Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club, talaga namaing malulutong ang patutsada ni Paolo Contis sa mga aktor na tumanggi sa kanyang papel na nagpanalo sa kanya ng Pinakamahusay na Aktor para sa pelikulang “Banal” ng Comguild Productions.

Ayon sa anak nina Jean Tusi at Renato Contis, “nakakapanghinayang na tinanggihan ito ng ibang kasamahan ko.”

Ang nasa isip lang namin ay si Dennis Trillo dahil sa kanya lang ito inialok pero nagdesisyon ang kanyang manager na si Popoy Caricativo na huwag munang tumanggap ng mga digital o indie films.

Mali ang pagsukat ni Popoy sa kahalagahan ng mga digital at indie film sa mga artista dahil ang mga ito ang isa sa lagusan ng tunay na sining tulad rin ng mga 35mm o full length feature.

Wala namang pagkakaiba ang indie at 35mm kundi sa gastos lang sa produksyon pero pareho rin ang mga ito na midyum ng komunikasyon at arte.

Kaya sana ay magbago na ng pakahulugan ang mga tulad ni Popoy na hindi lang popularity ang mahalaga sa showbiz kundi ang naipagkakaloob rin na kahulugan ng buhay mula sa mga obrang pampelikula.

***

Inihandog rin ni Paolo ang kanyang karangalan para sa girlfriend niyang si Isabel Oli.

At hindi makapaniwala si Contis na para sa kanya ang tropeyo ng karangalang ‘yon dahil karapat-dapat naman siya sa pagpapahalaga ng balana at mga kritiko tulad ng mga taga-Star Awards na bagamat marami pang dapat isaalang-alang at matutunan ay nagtitiyaga sa pamumudmod ng mga parangal.

***

Si Ai Ai de la Alas ang nagwaging Best Actress para sa kanyang natatanging pagganap sa “Ang Cute Ng Ina Mo” ng Star Cinema at Viva Films kaya naman hindi nagdawalang-loob ang mga taga-PMPC na igawad sa komedyana ang karangalan.

Inialay ni Ai Ai ang kanyang karangalan sa kanyang dalawang anak.

At sa Panginoong Diyos din niya inihandog ang materyal na gawad.

“Kahit maraming intriga, okey lang. Napagtatakpan na ito ng awards na tulad nito. Salamat sa Panginoong Diyos!” sabi ni de las Alas.

***

Nanalong Best Movie of the Year ang “One More Chance” ng Star Cinema at dahil ang ginagawaran ng Best Director ay ang nagtamo rin ng Best Picture, inilaan kay Cathy Garcia-Molina ang Pinakamahusay na Direktor sa Mainstream Movie of the Year.

Pero ’yon na nga.

Wala na namang mainstream-maintsream o indie-indie o digi-digital.

Lahat ay komersyal na panoorin dahil ginagastusan ng pera ang mga mainstream man o independent. Tubo rin ang nais ng bawat isa para mas makagawa pa ng anila’y maipagmamalaking pelikula.

***

Best Supporting Actor si Emilio Garcia para sa “Selda” ng Starview Productins samantalang Best Supporting Actress naman si Eugene Domingo para sa “Pisay” ng Solito Arts Productions, Philippine Science Foundation at ng Pisay Batch ’88.

Narito pa ang ilang mga nagwagi sa timpalak:

 

Digital Movie of the Year: “Confessional” (Creative Programs, Inc.)

Digital Movie of the Year: Jerrold Tarog and Ruel Antipuesto (“Confessional”/ Creative Programs, Inc. thru Cinema One Originals and Oddfield Productions)

Movie Actor of the Year: Paolo Contis (“Banal“) Comguild Productions)

Movie Child Performer of the Year: Nash Aguas (“Angels”: “Daddy’s Angel” episode/Eagle Eye Entertainment Productions)

New Movie Actress of the Year: Lovi Poe (“Shake, Rattle and Roll 9”/Regal Entertainment)

New Movie Actor of the Year: Matt Evans (“Shake, Rattle and Roll 9”/Regal Entertainment)|

Movie Editor of the Year: Marya Ignacio (“One More Chance”/Star Cinema)

Digital Movie Editor of the Year: Pats Ranyo (“Confessional”/Creative Programs, Inc. thru Cinema One Originals and Oddfield Productions)

Movie Production Designer of the Year: Willie Urbino (“Ataul For Rent”/Artiste Entertainment Works International)

Digital Movie Production Designer of the Year: Danny Red (“Selda”/Star View Productions)

Movie Original Screenplay of the Year: Vanessa Valdez (“A Love Story”/Star Cinema)

Digital Original Movie of the Year: Ramon UKit (“Confessional”/Creative Programs, Inc. thru Cinema One Originals and Oddfield Productions)

Movie Cinematographer of the Year: Manuel Teehankee (“One More Chance”/Star Cinema)

DIGITAL MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR: RODOLFO AVES, JR. (Kadin /Bicycle Pictures and Ignite Media, Inc.) Cutting Edge Productions)

Movie Musical Scorer of the Year: Raul Mitra (“Paano Kita Iibigin”/Star Cinema and Viva Films)

Digital Movie Musical Scorer of the Year: Vince de Jesus and Jobin Ballesteros (“Pisay”/Solito Arts Productions, Philippine Science Foundation, and Pisay Batch ‘86)

Movie Sound Engineer of the Year: Ditoy Aguilar and Rudy Gonzales (“Ouija”/GMA Films and Viva Films)

Digital Movie Sound Engineer of the Year: Jerrold Tarog (“Confessional”/Creative Programs Inc. thru Cinema One Originals and Oddfield Productions)

Movie Original Theme Song of the Year: “Paano Kita Iibigin”–theme song from the movie “Paano Kita Iibigin” from Star Cinema and Viva Films / Composed by Ogie Alcasid/Interpreted by Piolo Pascual and Regine Velasquez.

Digital Original Theme Song of the Year: “Nandito Ako”–theme song from the movie “Selda” from Star View Productions/Composed by Paolo Villaluna and Pike Ramirez/Interpreted by Pike Ramirez and Veena Ramirez.

Special Awards:

Darling of the Press-Regine Velasquez

Ulirang Artista Awardee (Lifetime Achievement Award- Posthumous)–Mr. Rudy Fernandez

Star of the Night (mula sa Lucida-ds Glutathione)-Male: John Lloyd Cruz

Female: Eula Valdez

Celebrity Fab of the Night ( mula sa Nature’s Harvest Fab)- Piolo Pascual & Maja Salvador

Face of the Night- (mula sa Mendez Medical Group)-Piolo Pascual & Pops Fernandez

Celebrity Mom of the Night (mula sa Cebuana Lhuillier)- Dawn Zulueta

***

Samantala, naging tensyunado ang produksiyon at ang PMPC nang malapit na ang duweto nila ni Kuh Ledesma ay hindi pa nakikita ang anino ni Christopher de Leon.

Magduduweto ng “Duyan” sina Kuh at Christopher pero natapos at natapos ang bilang ay hindi namulatawan ni anino ng aktor.

Ayon sa dating presidente ng PMPC na si Letty G. Celi, dapat aniya ay nagpasabi si Boyet antemano na hindi siya makakarating para hindi na siya hinintay pa ng produksiyon nakabadung-kabado na sa bilang.

Nag-rekord kasi ng awitin sina Ledesma at De Leon kaya inasahan na magduduweto ang dalawa.

Hintayin na lang natin ang panig ni Boyet sa usaping ito.