News Update
Para kontrahin ang VAT, boykot sa remitans ipinanawagan ng migrante
Soliman A. Santos
MULING ipapanawagan ng Migrante-Middle East ang kampanyang “zero remmittance day” kung babalewalain
ng administrasyong Arroyo ang panawagan ng taumbayan na alisin na ang VAT (value added tax) sa produktong petrolyo.
“Ang pinakaposibleng magagawa ng
gobyernong Arroyo para kahit paano’y mapabuti ang kalagayan ng taumbayan ay
tanggalin ang VAT sa langis, subalit kung hindi ito gagawin ng gobyerno,
mananawagan kami ng “zero remmittance day”,
ayon kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-ME.
Sinabi ni Montenora na ang
tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay naagpapataas rin sa presyo ng mga
batayang bilihin na nagpapahirap sa mga manggagawa, magsasaka at mga maralita.
Idinagdag ni Monterona na kahit ang
mga overseas Filipino worker ay hindi
ligtas sa epekto ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil
humihingi ng dagdag na padala ang kanilang mga pamilya.
Lehitimo din lamang umano na
hilingin nilang alisin ang mga kinakaltas sa kanilang remitans para makatikim
sila ng kahit kaunting ginhawa.
Babantayan umano ng Migrante kung
papakinggan ng gobyernong Arroyo ang panawagang tanggalin ang VAT sa langis,
kung hindi, ipananawagan nila ang “zero remmittnace day” sa iba’t ibang panig
ng mundo.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS