News Update
Pinauwing Pinoy sa S. Korea, tulungan – APMM
BINATIKOS ng APMM o Asia Pacific Mission for Migrants, isang sentro ng mga migranteng nakabase sa Hong Kong, ang pahayag ni Luis T. Cruz, embahador ng Pilipinas sa South Korea na walang masama kung pauwiin ng naturang bansa ang mga manggagawang Pilipino lalo na’t tapos na ang kontrata ng mga ito.
Idinagdag pa ni Cruz na pangkaraniwang proseso lamang ito. May ilan umanong mga Pilipinong nananatili pa rin sa isang bansa kahit pa tapos na ang kanilang kontrata.
Tinawag naman ng APMM na insensitibo at insulto sa mga Pilipinong naaresto, ikinulong at pinauwi mula sa South Korea ang pahayag na ito ng embahador.
Ayon sa mga ulat, ginamitan ng electric stun guns ng mga pulis ng Korean Immigration ang pinauwing mga Pilipino.
Sinabi pa ng APMM na hindi dapat talikuran ni Cruz ang mga inarestong mga Pilipino at dapat bigyan ng tulong ng emabahada.
Pinaalalahan pa ng grupo si Cruz na ang di-dokumentadong mga migrante ay mga mamamayan rin ng Pilipinas at tumutulong sa pagsalba ng naghihingalong ekonomiya sa pamamagitan ng remitans.
Soliman A. Santos
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS