News Update
Regulasyon sa pestisidyo pinarerepaso
PINAREREPASO ng KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) at Resist (Resistance and Solidarity against Agrochem TNCs) ang mga batas hinggil sa paggamit ng pestisidyo para maiwasan ang banta ng kontaminasyon tulad ng nangyari sa pestisidyong endosulfan sa lumubog na MV Princess of the Stars.
“Kailangang managot ang FPA (Fertilizer and Pesticide Authority) at Sulpicio Lines sa iresponsableng transport ng endosulfan,” sabi ni Willie Marbella, deputy secretary general ng KMP at isa sa mga tagatipon ng Resist.
Sinabi ni Marbella na ipinagbabawal ang endosulfan sa maraming bansa dahil sa napakasamang epekto nito sa kalusugan ng mga tao. “Kailangang maipatupad ang ban nang walang excemption,” ani Marbella.
Hiniling niya sa mga mambabatas at sa mga opisyal ng gobyernong Arroyo na muling pag-aralan ang pagba-ban sa mga toxic pesticide tulad ng endosulfan at inspeksiyunin nang mabuti ang transportasyon nito.
Kailangan din umano ng masusing programa para maipalaganap sa publiko ang panganib ng toxic pesticides.
RSS