Sakit sa tag-ulan: Diarrhea

ANG diarrhea ay madalas na pagdudumi (o loose bowel movement, o LBBM). Sa mga paunlad na bansa, sanhi ito ng pagkamatay ng mga sanggol.

Ang diarrhea ay maaaring sanhi ng impeksiyong dulot ng birus, parasito o toxins galing sa bakterya. Samakatuwidm hindi lamang sa maruming tubig makukuha ang makuha ang sakit. Maaari ring magkaroon ng diarrhea ang taong may lactose intolerance o isang hirap sa pagkonsumo ng lactose galing sa gatas.

Maaaring isang sintoma ang diarrhea sa mga malalalang sakit tulad ng disenterya at cholera.

Sa pananaliksik, may apat na uri ang diarrhea:
• Secretory diarrhea
Ito ay ang pagiging aktibo ng paglabas ng dumi sa katawan, o maaari ring pagbaba ng antas ng pagkalusaw at pagkuha ng katawan ng sustansiya mula sa nalusaw na pagkain. Hindi naman nangangahulugang may sira na ang panunaw ng isang taong nakakaranas ng ganitong klaseng diarrhea.

• Osmotic diarrhea
Sa ganitong diarrhea maraming tubig ang nailagak sa dumi. Maaaring resulta ito ng hindi-tamang pagtutunaw ng sikmura sa pagkain. Sa mga malulusog na tao, ang mga lactose-intolerant ay maaaaring makaranas ng ganitong klaseng pagdudumi. Ilan pang pagkain na hindi kayang makuha ng katawan (tulad ng sorbitol, isang uri ng sugar alcohol, na matatagpuan sa mga sugar-free na pagkain) ay isa pang dahilan ng ganitong klaseng pagdudumi.

• Motility-related diarrhea
Ito naman ang mabilis na paglagak ng pagkain diretso sa intestines (na kung tawagin ay hypermotility). Sa ganitong pamamaraan walang gaanong panahon ang katawan na makuha ang sustansiyang nanggagaling sa pagkain, bagkus, ididiretso na nitong ilabas agad ang pagkain bilang dumi. Isang sanhi ng ganitong uri ng pagdudumi ang sakit na hyperthyroidism o sakit sa gland na nagkokontrol ng pagpasok ng sustansiya sa katawan..

• Inflammatory diarrhea
Pagkasira sa bituka ang sanhi ng ganitong pagdudumi, sanhi ng impeksiyong dulot ng bakterya o virus, o impeksiyong dulot ng mga parasito. Maaaring dulot rin ito ng tuberkulosis, enteritis, o colon cancer. Makikita ang mga sintoma ng naunang tatlong uri ng diarrhea.

Sa sintomas ng diarrhea, paunang lunas ang pag-inom ng sapat na tubig na may halong ilang electrolytes (katamtamang sukat na pinaghalong asukal at asin halimbawa) upang mapalitan ang nawalang tubig sa katawan sanhi ng madalas na pagdumi. Marami namang gamot na mabibili agad sa botika na hindi na kailangan ng reseta ng doktor tulad ng loperamide.

Ngunit ilang uri ng diarrhea ang dapat isangguni sa doktor upang mabigyan ng sapat na superbisyon. Kabilang dito ang pagtatae ng mga sanggol, pagdumi na may kasamang dugo, pagduming nangtagal na ng dalawang araw na, pagduming may kahalo nang pananakit sa sikmura, diarrhea ng mga naglakbay (dahil maaaring nakapagdala na sila ng parasito sa katawan), sa mga humahawak ng pagkain (upang maiwasang makapanghawa pa sila), at sa mga nasa ospital.