News Update
Sakit sa tag-ulan: Sipon
Isang sakit na madalas tuwing tag-ulan (at kahit tag-araw) ang sipon. Madalas nakukuha ang sakit sa pabago-bago ng panahon, o kung marumi rin ang kapaligiran.Madalas ang paghahawa ng sakit kapag bumabahing ang isang taong may sipon, kasama na rin dito ang pagkakahawak sa kanyang laway o likido.
Ilang sintomas ang pamamaga ng lalamunan (sore throat), pagbabara ng mga lagusan sa ilong (nasal congestion), pananakit ng katawan, sakit ng ulo, at kawalan ng ganang kumain. Papuntang trankaso na ang simpleng sipon kapag nakaranas na ang may-sakit ng lagnat at sobrang pagkahapo. Mas madalas na malala ang mga sintomas sa mga bata.
Bagaman madali lang ang lunas ng sipon, kinakailangan din ng taong may-sakit ang propesyunal na pagsangguni. Maraming over-the-counter na gamot para sa sipon, ngunit madali namang malulunasan ito ng pag-inom ng maraming likido at pahinga.
Malaki ang tulong ng Bitamina C para panatilihin ang resistensiya ng tao laban sa sipon.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS
hindi kailangan uminom ng
hindi kailangan uminom ng gamot, dahil wala naman talagang gamot ang sipon, ang ginagawa lang mga gamot ay inaalis ang simtomas na kasama ng sipon. kailangan sa sipon tulad ng sabi mo ay pahinga para lumakas ang resistensiya ng katawan at bitamina C