News Update
Sakit sa tag-ulan: Ubo
Hindi isang komon na sakit ang ubo. Maaaring galing ito sa pabago bago ng panahon (kasama ang sipon) o makukuha sa isang allergic reaction.
May dalawang uri ng ubo. Ang chest cough ay respiratory sa kalakhan at maaaring impeksiyon na sa lagusan sa baga, at kakikitaan ito ng plema. Ang dry cough naman ay maaaring galing sa mga bagay na nakakapagumpisa ng allergies.
Mas mahusay ang pagpili ng mga natural na lunas para sa ubo dahil ang mga antihistamine o ano pang gamut na nakabase sa kemikal ay maaaring magdulot pa ng ilang side effect sa tao. Kasama dito ang panginginig ng kamay, hanggang sa ilan pang di kanais nais na pakiramdam tulad ng tila may maririnig na huni sa tenga.
Ilang lunas sa ubo ang paginom ng dayap na hinaluan ng pulot, at ihinalo sa tubig.
- Login or register to post comments
- Printer-friendly version
RSS