News Update
Bayarin sa remitans ipinatatanggal
MULING ipinanawagan ng Migrante International ang pagtanggal ng mga bayarin sa remitans matapos lumabas ang huling sarbey ng Pulse Asia na nagsasabing nagbabawas ng gastos sa pagkain ang mga Pilipino.
“Ang mga OFW at kanilang pamilya ay hindi naiiba sa karamihan ng nagugutom na Pilipino na naghahanap ng agarang ginhawa”, ayon ka Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante.
Padami nang padami ang mga pamilya ng OFW na nagugutom, sa kabila ng pagsisikap at sarkipisyo ng mga OFW. Habang ang mga burukrata sa gobyerno, mga bangko, telekomunikasyon, real estate ay kumikita nang malaki sa remitans na ipinadadala ng mga OFW, dagdag ni Regalado.
Sinabi pa ni Regalado na walang katapusan ang pagkabahala ng mga OFW.
“Ang mga pamilya namin ay patuloy na pinahihirapan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at pangunahing bilihin, habang sa mga bansang pinagtatrabahuhan namin, nakikipagbuno kami para sa aming kikitain, abuso, at iba pang paglabag sa karapatan sa paggawa,” ani Regalado.
Ang pinakamahirap pa, hindi man lang namin maaasahan ang mga opisyal ng gobyerno kapag nasa kagipitan kami, sabi pa ni Regalado.
Inanunsyo ng Migrante na magpapadala sila ng 50,000 pirma sa Kongreso at Malaknyang at ipagpapatuloy ang kanilang kampanya para tuluyang maalis ang mga bayarin sa remitans.
Soliman A. Santos
Related Articles
- Apela ni GMA para sa OFW na nasa death row, pinuna ng Migrante
- Pag-aresto ng gobyerno ng Malaysia sa lider migrante ng Nepal kinastigo
- Iskemang visit visa pinaiimbestigahan ng Migrante
- Gobyernong Arroyo makupad sa pagsaklolo sa binitay na Pinoy sa KSA - Migrante
- Gobyernong Arroyo ‘ipokrito’ sa paghingi ng public apology sa BBC
RSS