News Update

Dumaraming abuso sa OFW sa Gitnang Silangan: Dapat nang imbestigahan ng Kongreso – Migrante

in

 

HINILING ng Migrante-Middle East sa Kongreso ng Pilipinas na imbestigahan ang dumaraming kaso ng sekswal na pang-aabuso sa mga Filipinong domestic helper sa Gitnang Silangan.

Batay sa mga kaso ng sekswal na pang-aabuso na nakasampa sa Rights and Welfare Assistance Committee ng Migrante at lokal na balita, nanawagan ang Migrante sa Senado at Kamara na na magsagawa ng imbestigasyon na makatutulong pagsugpo sa dumaraming kaso ng sekswal na pang-aabuso sa mga Filipina lalo na sa Kuwait.

Nauna nang nagpahayag si Sen. Jinggoy Estrada na “tatawagin niya ang pansin ng Department of Labor and Employment para agad na bigyan ng pansin ang naturang usapin.

“May dahilan si Sen. Estrada para maalarma sa dumaraming insidente ng pang-aabuso sa mga Filipinang domestic helper sa Kuwait,” ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-ME.

Kamaikailan lamang, nakatanggap ng isang text message ang Migrante-Kuwait mula sa isang kaibigan ng isang domestic helper na humihingi ng tulong. Agad namang ipinaabot ng Migrante-Kuwait sa emabahada ng Pilipinas at tanggapan ng OWWA sa Kuwait ang naturang kaso.

Subalit nang nakausap na ng biktima si Welafre Officer Amy Crisostomo noong Agostoon 5, sinabi umano nito na wala siyang maibibigay na tulong.

“Ang ginagawa nila ay kapabayaan sa OFW na biktima sa Kuwait,” ani Monterona.

Ipinalala ng Migrante sa mga opisyal ng embahada na ang kanilang sahod nila ay namumula sa buwis ng mga mamamayan at remitans ng OFW.

Soliman A. Santos