News Update

Archive - Dec 2007

Date
  • All
  • Jan
  • Feb
  • Mar
  • Apr
  • May
  • Jun
  • Jul
  • Aug
  • Sep
  • Oct
  • Nov
  • Dec
  • All
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
  • 31
Type

Tatlong palayok

Sa isang Christmas party ng mga kaanak ng mga desaparecido noong Disyembre 26, nagbasag ng mga palayok na may mukha nina Pangulong Arroyo, National Security Adviser Norberto Gonzales, at Hen. Jovito Palparan, na kanilang sinisisi sa pagkawala ng mga mahal sa buhay.

Militar, layas!

HINILING ng kabataang bkwit ng Quezon ang pagpapalayas ng mga militar sa kanilang lalawigan. Halos tatlong linggo na rin sa Mynila ang mga batang naghahangad ng kapayapaan, bilang regalo sa kanila ng gobyerno, ngayong darating na kapaskuhan (Arkibong Bayan)

Mag-ingat sa ilegal na rekruter (Huli sa dalawang bahagi)

in
Connie Bragas-Regalado

BIKTIMA rin ng ilegal na rekruter si Randy na taga-South Cotabato. Nirekrut naman siya ng kapitbahay. Naunang umalis ang kanyang asawa sa Jordan. Nabangkarote ang kanilang negosyo at lubog sa utang. Binenta ang kanyang traysikel sa halagang P28,000 para may panggastos. Sa Dammam ang kanyang destinasyon.

Sentosa 27++: Palabang nars sa Amerika

Noel S. Barcelona

Nang dumating ang mahigit 27 Pinoy na nars sa Kennedy Airport sa New York, USA mula sa Maynila noong Nobyembre 2005, akala nila’y simula na ng katuparan ng kanilang mga pangarap.

Tulad ng napakaraming kababayan, tumungo sila sa Amerika para sa mas magandang buhay para sa pamilya. Pero ipinagkanulo diumano sila ng ahensiyang pinagkatiwalaan nila ng kanilang buhay.

Sampung bigatin ng 2007

PW Reportorial Team

MARAMING rekord ang nabasag ngayong taon. Nariyan ang rekord ng ibayong kahirapan at kagutuman ng mga mamamayang Pilipino. Kasama rin ang rekord ng sibilyang nagbakwit sa kanilang mga tahanan bunsod ng militarisasyon at ng sapilitang paglikas dahil sa demolisyon sa kalunsuran.

Laban sa Asahi Glass Corp.: Salamin ng kalagayan ng obrero sa Pilipinas

Soliman A. Santos / Maricristh Magaling

BAGO pa man maipasa ang Jpepa (Japan-Philippines Economic Partnership Agreement) sa Senado, nagsimula na ang mga empresang Hapon na magsara ng mga planta nila sa bansa. Kabilang dito ang Ajinomoto Philippines Corp, kung saan may 271 manggagawa na apektado ng pagsasara.

Tips sa pamimili ng pamasko

Manuela Sanchez

Sa kabila ng hirap ng buhay dahil sa mga pagtaas ng pangunahing mga bilihin, halos abala ang lahat sa pamimili. 

Pulitika ng pagbibigay ng regalo

Danilo Araña Arao

Noong bata pa ako, parati kong hinihintay ang buwan ng Disyembre.

Ito ay hindi lang dahil sa mahabang bakasyon. Gusto ko ring makatanggap ng regalo mula sa mga kamag-anak at kaibigan. Tuwang-tuwa ako noon tuwing may bago akong laruan, hindi na bale kung mumurahin lang ito.

Paglaya ni Jalosjos, pagyurak sa laban ng kababaihan laban sa karahasan sa kababaihan

Gertrudes Ranjo-Libang

Naku mga mare, muli na namang napatunayang walang maaasahan tayong mga kababaihan sa babae nating presidente. Noong Sabado, pumutok ang balitang palalayain na si Jalosjos, ang kongresistang napatawan ng dalawang habambuhay na sentensiyang pagkabilanggo dahil sa pag-rape ng 11 taong gulang na batang babae. Ito ay katumbas ng 80 taong pagkabilanggo.