Archive - 2008

Huli sa akto: pinaghihinalaang intelligence agent kinuyog ng estudyante ng PUP

in
Rodalyn S.M. Capilo

Apat na mga pinaghihinalaang intelligence agent ang nahuli na nagsasagawa ng surveillance sa mga lider estudyante habang nagdadaos ng programa sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) noong Agosto 29.

Psych test iskema sa pagbebenta sa OFW – Migrante

in
Soliman A. Santos
MULING IGINIIT ng Migrante International ang kanilang pagtutol sa panukalang mandatory psychiatric test sa mga aalis na OFW (overseas Filipino workers) dahil bahagi lamang umano ito ng iskema ng gobyerno para madaling maibenta ang mga OFW sa internasyunal na merkado ng paggawa.

Kamakailan lamang, sinabi ni DFA (Department of Foreign

Misteryosong pagkamatay ng OFW sa Middle East dapat imbestigahan – Migrante-ME

in
Manuela Sanchez

NANAWAGAN NG masusing imbestigasyon ang Migrante-Middle East sa sirkumstansiya ng pagkamatay ng mga OFW (overseas Filipino workers) na napaulat na nagpatiwakal sa UAE (United Arab Emirates) para bigyang liwanag ang pagdududa ng mga pamilya ng mga biktima.

Pag-uwi ng 40 OFW mula Kuwait inaantala ng opisyal ng embahada?

in
Jean Campos

Kinondena ng Migrante-Middle East ang mga opisyal ng Pilipinas sa Kuwait dahil inaantala umano ng mga ito ang pagpapauwi sa 40 OFW na nakakulong sa naturang bansa.

Arroyo sinisi sa pagbuhay ng Reform Ilaga Movement

SINISI ng militanteng kongresistang si Rafael Mariano ng Anakpawis Party-list si Pangulong Arroyo para sa muling pagbuhay ng Reform Ilaga Movement, vigilanteng grupo na umaatake sa mga sibilyan sa Mindanao.

Protesta sa 20 sentro sa Kamaynilaan: P5 COLA di sapat; rolbak sa presyo ng langis kulang

ROLBAK ng presyo ng langis, P125 dagdag-na-sahod, at pagtanggal ng VAT (Value-Added Tax) sa mga produktong petrolyo at kuryente ang ipinanawagan ng mga manggagawa, maralitang lungsod, at iba pang sektor na nagsagawa ng mga kilos-protesta sa mahigit 20 sentro sa Kamaynilaan noong Agosto 28.

Pakikialam ng US sa usapang pangkapayapaan sa MILF pinaiimbestigahan

in

Ilang-Ilang Quijano

PINAIIMBESTIGAHAN ng mga kinatawan ng progresibong party-list ang umano'y pakikialam ng Estados Unidos sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at gobyerno ng Pilipinas.

Sektor ng negosyante: Cha-cha sa 2010 na

in

KR Guda

NANGANGAMBA ang sektor ng mga negosyante sa pagtulak sa pag-amyenda sa Saligang Batas bago ang eleksiyong 2010.

Sino ang mas nakakatawa?

Kontra-insurhensiya sa Tondo?

Ilang-Ilang D. Quijano

MAHIGIT isang beses kada linggo, may armadong mga bisita si Maria Regina Dacoycoy. Tatlo hanggang apat na sundalo ang tumatambay sa labas ng kanyang barung-barong sa tabi ng Ilog Pasig. Kapag mula si Maria Regina sa labas, tinatanong ng mga sundalo kung saan siya nanggaling. Kapag aalis siya ng bahay, tinatanong kung saan siya papunta.