News Update

Archive - Feb 2008

Date
Type

Paggiit ng mga tagasuporta ni Lozada sa PUP

Noong Peb. 29, hinarang ng mga guwardiya ang daan-daang mga estudyante ng Polytechnic Universiy of the Philippines na sasalubong kay Jun Lozada (Danny Pata)

Noong Peb. 29, hinarang ng mga guwardiya ang daan-daang mga estudyante ng PUP (Polytechnic Universiy of the Philippines) na nakatakdang salubungin si Rodolfo Noel Lozada Jr., testigo sa eskandalong NBN-ZTE.

(Kuha ni Danny Pata)

Sugod!

Matagumpay na nakapagpumilit ang mga estudyanteng sabik na makita at marinig si Lozada (Danny Pata)

Bandang alas-10 ng umaga, umano'y nakatanggap ng bomb threat ang eskuwelahan kaya kinansela ng administrasyon ang pasok. Pero matagumpay na nakapagpumilit ang mga estudyanteng sabik na makita at marinig si Lozada.

(Kuha ni Danny Pata)

Bomb squad pinalayas

Pinalayas ng mga estudyante ang bomb squad na ipinatawag ng administrasyon na tugon sa umano'y natanggap na bomb threat (Danny Pata)

Pinalayas ng mga estudyante ang bomb squad na ipinatawag ng administrasyon.

(Kuha ni Danny Pata)

Die-in

Nagsagawa ng die-in ang mga estudyante ng PUP para kondenahin ang katiwalian ng gobyernong Arroyo (Danny Pata)

Nagsagawa ng die-in ang mga estudyante ng PUP para ipakita ang paglaban ang kanilang karapatan sa edukasyon at pagkondena sa katiwalian ng gobyernong Arroyo.

(Kuha ni Danny Pata)

Mabuhay si Lozada

Sa talumpati sa kampus, nagbigay-pugay si Lozada sa mga estudyanteng kasama niya sa "laban para sa katotohanan". (Danny Pata)

Hindi pinayagan ng administrasyon ng PUP si Lozada na pumasok sa loob ng gusali ng paaralan, kaya nagtalumpati na lamang siya sa grounds ng kampus. Nagbigay-pugay siya sa mga estudyanteng kasama niya sa "laban para sa katotohanan." Inorganisa ang aktibidad ng Central Student Council, the Youth Act Now, at Pi Sigma Delta.

(Kuha ni Danny Pata)

Malaking protesta kontra-Arroyo kasado sa Peb. 29

in
Noel Sales Barcelona

ISANG malaking pagtitipon ng grupong kritikal sa gobyernong Arroyo ang gaganapin sa darating na Pebrero 29, para igiit ang pagbibitiw ng punong ehekutiba.

Inaasahanag nasa 12,000 hanggang 20,000 katao, mula sa iba't ibang grupong militante, mga relihiyoso, mga negosyante at kabataan ang dadalo sa protesta sa Ayal, Lungsod ng Makati.

Pen Medina: Artista sa lansangan

Ilang-Ilang D. Quijano

Laging makikita sa mga rali at mga pagdinig sa eskandalong NBN-ZTE si Pen Medina. Doon, di mahilig sa kamera ang beteranong aktor. Kinapanayam siya ng PINOY WEEKLY para maukilkil ang kanyang mga pagtingin at mahaba-haba na ring karanasan ng pakikisangkot.

Pinoy Weekly (PW): Bakit kayo sumasama sa mga rali?

Kahalili ng mga ama

Namatay ang mga ama ng mga batang ito matapos paulanan ng bala ng SWAG-8 ng Philippine Navy at Light Reaction Company noong Peb. 4 sa Piket, Maimbong, Sulu (Amirah Ali Lidasan)

Naiwan sila para himay-himayin ang mga halamang dagat na ibinebenta ng kanilang mga ama sa palengke. Namatay ang mga ama ng mga batang ito matapos paulanan ng bala ng SWAG-8 ng Philippine Navy at Light Reaction Company (na sinanay ng mga tropang Kano) habang natutulog ang mga residente noong Peb. 4.

(Kuha ng Amirah Ali Lidasan sa Piket, Maimbong, Sulu)

Biktima

Walong tinedyer, kasama ang dalawang bata at dalawang tinedyer ang napatay noong Pebrero 4, 2008 sa pagsalakay ng mga militar kasama ang tatlong opisyal na sundalong Kano sa isang pinaghihinalaang kuta ng Abu Sayyaf sa Maimbung, Sulu.

(Contributed photo)