News Update

Archive - Feb 14, 2008

Date
Type

Ayaw sa rosas

Nagprotesta sa Morayta Ave. noong Pebrero 14 ang mga kawani ng gobyerno na miyembro ng Courage o Confederation for the Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees at nanawagan ng pagtigil ng korupsiyon at rasyunalisasyon ng burukrasya. Dahil Araw ng mga Puso, binigyan sila ng mga rosas ng mga pulis na nagbabantay sa Mendiola.

Pagbibitiw ni GMA igigiit sa lansangan

in
Soliman A. Santos

MAGPOPROTESTA sa lansangan ang iba’t ibang grupong kontra-Arroyo sa Biyernes, Pebrero 15 para muling ipanawagan ang pagbibitiw ng pangulo sa puwesto sa gitna ng panibagong kontrobersiyang kinakaharap ng administrasyon matapos ang pagtestigo ni Rodolfo

Karahasan sa Hanjin pinatitigil

in
Noel Sales Barcelona

NANAWAGAN ang mga miyembro ng Cawal (Cabuyao Workers’ Alliance) sa lahat ng mga mamamayan ng Cabuyao na suportahan ang laban ng mga manggagawang nakapiket ngayon sa Hanjin Garments na pag-aari ng Koreanong si Jeong Kee Min.

Bayan nanawagan sa pagkansela sa Balikatan

in
Soliman A. Santos

BINATIKOS ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) ang Embahada ng US sa Maynila sa pagtanggi nito sa pagkakasangkot ng US sa pinakahuling kaso ng pang-aabuso ng militar sa Mindanaw kahit wala pang independenteng imbestigasyon.

Guro, estudyante nagprotesta sa Ched para ‘palutangin’ si Neri

in
Noel Sales Barcelona

NAGPROTESTA sa harap ng tanggapan ng Ched (Commission on Higher Education) ang daan-daang mga guro at estudyante para igiit ang pagpapaharap muli kay Sek. Romulo Neri, tagapangulo ng Ched, sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa maanomalyang NBN (National

Dalawang lider-pesante dinukot

in
Soliman A. Santos

DALAWANG lider-magsasaka sa Gitnang Luzon ang magkasunod na dinukot ng pinaghihinalaang mga militar sa loob lamang ng isang araw.

Tigil-putukan ng MILF, gobyerno pinag-uusapan

in
Mary Ann I. De Mesa

MULING nagpulong ang mga representante ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) at gobyerno, kasama ang ilang miyembro ng IMT (International Monitoring Team) upang pag-usapan ang posibleng tigil-putukan sa pagitan ng dalawang kampo.

Higit 400 pamilya lumikas sa operasyong militar

in
Mary Ann I. De Mesa

Mahigit 400 pamilya ang lumikas sa kanilang mga tahanan sa Davao Oriental bunsod ng operasyon ng militar laban sa NPA (New People’s Army).

Proyektong bugok, sistemang bulok

Ilang-Ilang D. Quijano
PNP Chief Hen. Avelino Razon at Rodolfo Noel Lozada Jr. sa pagdinig ng Senado sa NBN-ZTE (Boy Bagwis)

IKINUMPISAL sa bayan ni Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr. na inuk-ok ng mahigit isang dekadang pagtatrabaho sa gobyerno ang kanyang kaluluwa. “Gusto kong masagip ang natitira pa sa aking kaluluwa,” naluluha niyang wika sa Senado noong Pebrero 8 habang matamang nanonood ang mga madre at pari na kumanlong sa kanya mula sa diumano’y