News Update
Archive - Feb 20, 2008
Senyales ng panahon
Ipinakita ng dalawang socialite na ito ang pagkamuhi nila sa dalawang maka-administrasyong senador. Kuha sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas sa Makati kung saan isinagawa ang kilos-protesta noong Peb. 15.
(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)
Sigaw ni JDV III
Inabutan ng dilim sa pagtatalumpati si Joey de Venecia, saksi sa eskandalong NBN-ZTE.
(Kuha ni Boy Bagwis)
'Evil si Gloria'
“Evil si Gloria”! Ito ang laman ng mga karatula ng mga demonstrador sa Philcoa isang araw matapos ibunyag ni Jun Lozada na tinawag ni Romulo Neri ang Pangulo nang ganito.
(Kuha ni John Clemente)
Sa labas ng Senado
Hiyaw at nakabibinging ingay ang narinig sa labas ng Senado habang tumetestigo si Lozada.
(Kuha ni Arwin Doloricon)
Iadya mo kami sa lahat ng masama
Pinakamalaking pagtitipon ng mga puwersang nananawagan na patalsikin si Pangulong Arroyo mula nang sumiklab ang eskandalong NBN (National Broadband Network)-ZTE ang kilos-protesta sa Makati noong Peb. 15.
Solb
Sa halagang P5 na solbent, solb ang mga batang ito sa buong araw. Di ramdam ang kumakalam na sikmura at nahahalang na bituka.
(Kuha ni Ramil Flores sa Calamba, Laguna)
Makakalikasan kontra Gloria
Nanawagan ang mga miyembro ng Enraged, (Environment and Natural Resource Advocates for GMA’s Expulsion) ng isang paglilinis sa gobyernong Aroyo. Hiniling nila ang pagbibitiw ni Kal. Lito Atienza ng DENR at pagbibitiw ni Pangulong Arroyo kaugnay ng eskandalong NBN-ZTE.
(Kuha ni Soliman Santos)










RSS