News Update

Archive - Feb 25, 2008

Date
Type

People Power mauulit?

NAKAANTABAY ang lahat kung mauulit ang People Power para patalsikin sa puwesto si Pangulong Arroyo na binabayo ng krisis bunsod ng eskandalong NBN-ZTE. Libu-libo ang dumagsa sa lansangan noong Pebrero 25, anibersaryo ng People Power I. Nagmartsa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola ang militanteng mga grupo.

(Kuha ni Boy Bagwis)

Pagkilos para baguhin ang ‘bulok’ na sistema, ngayon na – Lozada

in
KR Guda

KABATAAN ang kinakailangang manguna sa pagbabago ng “bulok” na sistema, ayon kay Rodolfo “Jun” Lozada Jr, sa harap ng humigit-kumulang isanlibong estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas at iba pang pamantasan.

Kabataang estudyante, nag-ingay para sa katotohanan

in
Adam Asin/Anna Macapugay/Princess Pagsuyuin

“Basagin ang katahimikan!”

Paninira ng Malakanyang kay Lozada binatikos

in
Charlene Mae C. Sarmiento

Binatikos ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) ang diumano’y patuloy na paninira ng administrasyong Arroyo sa kredibilidad ni Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr, star witness sa eskandalong NBN-ZTE.

'Komisyon' ni Abalos, 5 beses ang laki sa badyet ng PGH

in
Catherine Bucu
Limang beses na halaga ng kasalukuyang badyet ng PGH (Philippine General Hospital), nangungunang pampublikong ospital sa bansa, ang katumbas ng diumano’y hininging P6.6 Bilyong komisyon ni dating Comelec chairman Benjamin Abalos sa proyektong NBN-ZTE.

UP nagprotesta vs Arroyo

in
Karen Ann Apostol

Gumawa ng isang minutong noise barrage ang mga estudyante at guro sa pangunguna ng Contend (Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy) sa harap ng Vinzons Hall sa Unibersidad ng Pilipinas noong Pebrero 20 bilang protesta sa korupsiyon at mga anomalya sa ilalim ng tinagurian nitong “sindikatong” administrasyon ni Pangulong Arroyo.