News Update
Archive - Feb 28, 2008
Paggiit ng mga tagasuporta ni Lozada sa PUP
Noong Peb. 29, hinarang ng mga guwardiya ang daan-daang mga estudyante ng PUP (Polytechnic Universiy of the Philippines) na nakatakdang salubungin si Rodolfo Noel Lozada Jr., testigo sa eskandalong NBN-ZTE.
(Kuha ni Danny Pata)
Sugod!
Bandang alas-10 ng umaga, umano'y nakatanggap ng bomb threat ang eskuwelahan kaya kinansela ng administrasyon ang pasok. Pero matagumpay na nakapagpumilit ang mga estudyanteng sabik na makita at marinig si Lozada.
(Kuha ni Danny Pata)
Die-in
Nagsagawa ng die-in ang mga estudyante ng PUP para ipakita ang paglaban ang kanilang karapatan sa edukasyon at pagkondena sa katiwalian ng gobyernong Arroyo.
(Kuha ni Danny Pata)
Mabuhay si Lozada
Hindi pinayagan ng administrasyon ng PUP si Lozada na pumasok sa loob ng gusali ng paaralan, kaya nagtalumpati na lamang siya sa grounds ng kampus. Nagbigay-pugay siya sa mga estudyanteng kasama niya sa "laban para sa katotohanan." Inorganisa ang aktibidad ng Central Student Council, the Youth Act Now, at Pi Sigma Delta.
(Kuha ni Danny Pata)





RSS