News Update

Archive - Feb 9, 2008

Date
Type

Muli, Arroyo pinagbibitiw

Sumugod sa Senado noong Pebrero 8 ang militanteng mga grupo para suportahan ang testigo sa anomalyang ZTE-NBN na si Rodolfo Noel "Jun" Lozada, na muling idinawit sina dating Comelec komisyuner Benjamin Abalos at Unang Ginoo Mike Arroyo sa $329 overpriced na kontrata at sinabing mga tauhan ng Malakanyang ang dumukot sa kanya.

Rodolfo Noel Lozada: "Bayani"

Humarap sa Senado si Jun Lozada at muling idiniin sina Benjamin Abalos at Unang Ginoo Mike Arroyo sa maanomalyang kontratang ZTE-NBN

Itinuturing ng marami na bayani si Rodolfo Noel "Jun" Lozada na humarap sa Senado noong Pebrero 8 matapos dukutin, papirmahin ng pekeng mga affidavit, tangkahing suhulan, at takutin--lahat diumano sa utos ng Malakanyang. Isiniwalat ng presidente ng Philippine Forestry Corp.

Ebidensiya

Ipinakita kay Lozada ang mga litrato ng "pangingidnap" sa kanya mula sa Ninoy Aquino International Airport sa pakikipagsabwatan umano ng mga opisyal ng Air Transportation Office

Kitang-kita si Ret. Gen. Angel Atutubo, assistant deputy for security ng Air Transportation Office, sa mga litrato mula sa CCTV ng Ninoy Aquino International Airport, na kasama ng mga kalalakihang "kumidnap" kay Lozada noong Pebrero 5. Ipinakita ni Sen. Jinggoy Estrada kay Lozada ang mga litrato.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Makukulit na hirit

Sa kabila ng bigat ng testimonya, nakukuha pa ni Lozada na magbiro, na ikinatuwa ng marami sa mga senador at manonood

Sa kabila ng bigat ng testimonya, nakukuha pa ni Lozada na magbiro, na siyang ikinatuwa ng marami sa mga senador at manonood. "Siguro po intramurals lang sa school," sagot niya nang ipagkumpara ni Senate Pres. Manuel Villar ang umano'y pagkakaiba ng antas ng pangungurakot sa proyektong ZTE-NBN at Philippine Forestry Corp. (PFC) sa National Basketball Association at Liga ng Barangay.

Luha ng takot

Makailang beses umiyak si Lozada, lalo kapag inaalala ang takot na naramdaman para sa sarili at kanyang pamilya

Makailang beses umiyak si Lozada, lalo kapag inaalala ang takot na naramdaman para sa sarili at kanyang pamilya. Nasa likuran niya (kaliwa-kanan) sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo; Bro. Armin Luistro, presidente ng De La Salle University-Manila; at abogadong si Reynaldo Prinsesa.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Desisyon ng konsensiya

Ayon kay Lozada, ang kanyang pagharap sa Senado ay "desisyon ng konsensiya" at hindi dinidiktahan ng pampulitikang mga interes

Ayon kay Lozada, ang kanyang pagharap sa Senado ay "desisyon ng kanyang konsensiya" at hindi dinidiktahan ng pampulitikang mga interes. Nais lang umano niyang isalba ang natitira pa sa kanyang kaluluwa. Inialay niya sa kanyang ama na pobreng Intsik--na sinabihan siyang gantihan ng mabuti ang bansang Pilipinas--ang ginawang pagsiwalat, sa kabila ng matinding mga banta sa buhay.

Suporta ng simbahan

Matapos ang maghapong testimonya, binati siya ng mga taong simbahan na nagkanlong sa kanya sa La Salle Greenhills

Matapos ang maghapong testimonya, binati siya ng mga taong simbahan na nagkanlong sa kanya sa La Salle Greenhills, at ng iba pang mga tagasuportang "bayani" ang turing sa kanya.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Mike Arroyo pinaaaresto

Sumugod sa Senado noong Pebrero 8 ang militanteng mga grupo para suportahan ang testigo sa anomalyang ZTE-NBN na si Jun Lozada, na muling idinawit si Unang Ginoo Mike Arroyo sa $329 overpriced na kontrata.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)