News Update

Archive - Mar 2008

Date
Type

Suporta sa NPA ng mga maralita't manggagawa

NAGSAGAWA ng raling iglap sa Divisoria ang Katipunan ng Samahan ng mga Anakpawis, isang rebolusyonaryong organisasyon ng mga maralita't manggagawa mula sa mga komunidad na kasapi ng National Democratic Front of the Philippines. (Ilang-Ilang Quijano)

Neri 'kahihiyan' sa UP

Dinumog ng mga estudyante, guro, at empleyado ng University of the Philippines-Diliman si Kal. Romulo Neri ng Commission on Higher Education na dumalo sa pulong ng Board of Regents noong Marso 27. Diumano'y "kahihiyan" sa UP ang patuloy na pananahimik ni Neri sa pagkakasangkot ni Pangulong Arroyo sa anomalyang NBN-ZTE.

Pastor sa Mindoro, ikinulong

in
Soliman A. Santos

KINUMPIRMA ng Karapatan-Timog Katagalugan na isang pastor ang ikinulong sa Provincial Jail ng Mindoro Occ. noong Marso 18 at nahaharap ngayon sa “gawa-gawang mga kaso.”

Kinilala ang biktimang si Pastor Mel Abesamis, pastor ng United Methodist Church at dating pangkalahatang kalihim ng Karapatan-Mindoro Occ..

'Lider ng CPP' ipinatatawag ng korte sa Samar

in
Soliman A. Santos

INIUTOS ni Judge Jovito Abarquez ng Regional Trial Court Branch 30 sa Basey, Samar ang pagpapatawag sa 37 mga respondent, na pawang mga kasapi ng CPP (Communist Party of the Philippines), sa isang petisyon para sa writ of amparo na isinampa ng pamilya ng isang nawawalang opisyal ng barangay.

Apoy ng katotohanan at hustisya

Itinatag ng mga kawani ng gobyerno ang alyansang Public Servants for Truth and Justice Now para iprotesta ang malawakang korupisyon sa gobyerno. Kabilang dito sina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, Ferdinand Gaite ng grupong Courage, at dating DOTC undersecretary Josie Lichauco. (Ilang-Ilang Quijano)

Taggutom at taghirap, matindi

Sa lansangan lamang tumitira at kumakain, ang pamilyang ito. Nasaan na ang mga pangako ni Pang. Arroyo na pabahay at pagkain para sa mahihirap? (Boy Bagwis)
Makikita sa larawang ito, sa lansangan lamang tumitira at kumakain, ang pamilyang ito. Nasaan na ang mga pangako ni Pang. Arroyo na pabahay at pagkain para sa mahihirap? (Kuha ni Boy Bagwis sa Quezon City)

Krisis sa bigas, sirit-presyo, disempleyo: Magreresulta sa riot—KMU

in
Noel Sales Barcelona

Maaaring lumikha ng kaguluhan ang napipintong krisis sa suplay ng bigas, pagsirit ng presyo ng pangunahing mga bilihin, at pagtaas ng antas ng kawalang trabaho, ayon sa KMU (Kilusang Mayo Uno).

Marso 26 - Abril 1 2008

PW Taon 7 Bilang 11