News Update

Archive - Mar 1, 2008

Date
Type

Pebrero 29: Nagkakaisang tinig

Dumagundong ang boses ng mga mamamayan para patalsikin diumano si Arroyo sa interfaith rally noong Pebrero 29, 2008 (Ilang-Ilang Quijano)

Dumagundong ang boses ng mga mamamayan para patalsikin diumano si Arroyo sa interfaith rally noong Pebrero 29, 2008.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Nasa katawan ang mensahe

Nagmistulang kanbas ng likhang sining na kontra-Arroyo ang katawan ng isang demonstrador (Ilang-Ilang Quijano)

Nagmistulang kanbas ng likhang sining na kontra-Arroyo ang katawan ng isang demonstrador.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Suporta sa Makati

agpaulan ng confetti ang mga empleyado ng mga gusali sa kanto ng Paseo de Roxas at Ayala Avenue (Ilang-Ilang Quijano)

Nagpaulan ng confetti ang mga empleyado ng mga gusali kung saan ginawa ang interfaith rally sa kanto ng Paseo de Roxas at Ayala Avenue.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Nangunguna sa laban

Nangunguna sa hanay ng Bayan ang lider ng iba't ibang sektor ng lipunan (Ilang-Ilang Quijano)

Nangunguna sa hanay ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) ang lider ng iba't ibang sektor ng lipunan.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Babae kontra sa 'ahas' ng Malakanyang

Nasa likod ni Emmi de Jesus ng Gabriela ang isang effigy ng "demonyong ahas" na hawig ni Pangulong Arroyo (Ilang-Ilang Quijano)

Isa si Emmie de Jesus ng Gabriela at Babala! (Babae Laban sa Katiwalian) sa mga nanguna sa martsa patungong Paseo de Roxas. Nasa likod niya ang isang effigy ng "demonyong ahas" na hawig ni Pangulong Arroyo.

(Kuha ni Ilang-Ilang Quijano)

Makabayang pag-awit

Pinamunuan ng babaing ito ang pag-awit ng "Bayan Ko" bilang pagtatapos ng programa ng interfaith rally (Arwin Doloricon)

Pinamunuan ng babaing ito ang pag-awit ng "Bayan Ko" bilang pagtatapos ng programa ng interfaith rally.

(Kuha ni Arwin Doloricon)

Protektado ng madre

Nagsalita si Rodolfo "Jun" Lozada sa harap ng mahigit 80,000 na demonstrador habang napapalibutan ng mga madre (Arwin Doloricon)

Nagsalita si Rodolfo "Jun" Lozada sa harap ng mahigit 80,000 na demonstrador habang napapalibutan ng mga madreng nangangalaga sa kanyang seguridad.

(Kuha ni Arwin Doloricon)

Dalawang dating pangulo laban sa nakaupo

Lumahok sa protesta sina dating Pangulong Corazon Aquino at Joseph Estrada (Arwin Doloricon)

Lumahok sa protesta sina dating Pangulong Corazon Aquino at Joseph Estrada. Kapwa nanawagan ng pagbitiw ni Pang. Arroyo sa pagkapangulo.

(Kuha ni Arwin Doloricon)

Kaeskuwela ni Gloria, ayaw sa kanya

Nakiisa sa rali ang daan-daang estudyante ng Assumption College of Manila, ang pinasukang paaralang pang-elementarya ni Pangulong Arroyo (Boy Bagwis)

Nakiisa ang daan-daang estudyante ng Assumption College of Manila sa panawagan ng interfaith rally para sa katotohanan. Assumption College ang pinasukang paaralang pang-elementarya ni Pangulong Arroyo.

(Kuha ni Boy Bagwis)

Paalam, Gloria

Nagmartsa ang mahigit 6,000 kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan sa Ayala Avenue para makiisa sa interfaith rally (Boy Bagwis)

Nagmartsa ang mahigit 6,000 kasapi ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) sa Ayala Avenue para makiisa sa interfaith rally.

(Kuha ni Boy Bagwis)