News Update
Archive - Mar 8, 2008
Marso 8: Kababaihan kontra Gloria
Mahigit 10,000 kababaihan ang nanawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. (Boy Bagwis)
Maagang pagkamulat
Maraming ina ang nagbitbit ng kanilang mga anak na ang kinabukasa’y nakataya sa mga isyung pampulitika tulad ng eskandalong NBN-ZTE (Kenneth Guda)
OFW sawa na
Kontra-korupsiyon
Nakiisa sa okasyon sina Gina de Venecia, tinawag na “maybahay lang” ng pangulo; dating DOTC Kal. Josie Lichauco; at Grace Llamazares, anak ni Fernando Poe Jr. (Kenneth Guda)
Habilin
Tula ni Pete Lacaba hinggil sa pagbabalikwas ang binasa ni Armida Siguion-Reyna sa programa sa Plaza Miranda. (Kenneth Guda)
‘Biktima’ ni Gloria
Mga litrato ng nawawalang babaing mga estudyanteng sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan ang hawak ng lalaking raliyista. (Kenneth Guda)
Hawig
Sa diktador na si Adolf Hitler inihahalintulad si Arroyo ng kabataang artistang ito. (Ilang-Ilang Quijano)
Korona
Bb. Pilipinas ang gimik ng mga taga-Gabriela para iparating ang mensaheng kontra-katiwalian. (Ilang-Ilang Quijano)
Tugon sa ‘pangungunyapit’ sa poder
“Walisin si Gloria sa Malakanyang” ang panawagan ng maralitang mga kababaihan. (Ilang-Ilang Quijano)
Hinanakit
Nakatuntong sa Mendiola ang mga kababaihang ibinuhos ang sama ng loob sa pamunuan ni Arroyo. (Boy Bagwis)










RSS