News Update

Archive - Apr 24, 2008

Date
  • All
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
Type

Obrero nangalampag

Nagpiket sa harap ng Kamara noong Abril 21 ang progresibong mga grupo para itulak ang dagdag-sahod, diumano'y nararapat na tugon ng gobyerno sa krisis sa pagkain. (Ilang-Ilang Quijano)

Pag-ampat sa presyo, ayaw ng gobyerno

Kenneth Roland A. Guda
Mahabang  pila sa tindahan ng NFA sa Veterans, Quezon City (John Clemente)

Kahit papaano, sa araw na iyon, masaya si Nanay Jenny Dullano. Medyo matagumpay ang pangangalkal ng basura noong araw na iyon – kumita sila ng anak ng mahigit P300 sa pagbenta sa mga junkshop sa Payatas. May pabonus pa: isang basket ng sachet ng mantika, itinapon na sa basura at napulot nila sa tambakan. “Puwede na ’to,” ani Nanay Jenny.

‘Inuulit na kasinungalingan’ laban sa mga kinatawan

Ilang-Ilang D. Quijano/Noel Sales Barcelona

Matamang nag-abang ang mga elemento ng PNP (Philippine National Police) sa paligid ng Regional Trial Court o RTC ng Palayan City at Guimba sa Nueva Ecija. Sa araw na iyon, Abril 18, naglabas ng resolusyon ang isang joint panel ng mga tagausig. Umano’y may probable cause ang mga kasong pagpatay at pagkidnap laban kina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Teddy Casiño, Gabriela Rep.

Tamis-pakla ng buhay sa pabrika ng softdrink

Noel Sales Barcelona

Wala na ang pamilyar na huni ng mga trak na payao’t parito sa mga bodega. Tanging ang natira na lamang, ang katahimikan at umaalong sama ng loob ng mga manggagawang nakapulong sa isang gilid ng bodega ng Pepsi Cola sa Taguig.

Pagbantay sa panganib sa kalikasan, taumbayan

Soliman A. Santos

Ipinagdiwang ng mga mamamayan ng mundo ang “Araw ng Daigdig” nitong nakaraang Abril 22. Pero sa Pilipinas, protesta ang iminarka ng mga grupong maka-kalikasan. Anila, lumalala ang pagkaubos ng likas na yaman, pagkasira ng kalikasan at pandarambong sa pambansang patrimonya ng bansa.

Si Benito at ang espesyal niyang bisita

KR Guda

Kilalanin si Benito. Isa siya sa di-mabilang na mga batang mangangalkal ng basura sa tambakan ng Payatas. Hindi siya makapag-aral dahil walang birth certificate. Hindi pa siya nakakalabas ng Payatas sa tanang buhay niya.

Daan-daang manggagawa nagmartsa sa Mendiola

in
Ilang-Ilang Quijano/Noel Sales Barcelona

“Gawing priyoridad ang pagsasabatas ng P125 dagdag-sahod sa buong bansa across-the-board.”
Ito ang mensahe kay Pangulong Arroyo ng daan-daang manggagawa na nagmartsa patungong Malakanyang noong Abril 22 para ihapag ang isang manipesto para sa pagpasa ng House Bill 1722 o legislated wage increase.

Kondisyunal na Jpepa, pagsagip kay GMA mula sa kahihiyan?

in
Ilang-Ilang Quijano

Pagsagip kay Pangulong Arroyo mula sa kahihiyan sa gobyernong Hapon ang kondisyunal na pag-apruba ng Senado sa Jpepa (Japan-Philippines Economic Partnership Agreement) na inirekomenda ni Sen. Mirian Defensor-Santiago, ayon sa No Deal! Movement.

Maralita sa Maynila kikilos para sa katotohanan

in
Gladyline Alvero

Isang People’s Caravan ang gaganapin sa Tondo, Maynila mula Abril 25 hanggang 30 para pag-ibayuhin ang panawagan ng mga maralita para sa katotohan, katarungan at pagbabago.

Lalahok sa nasabing pagkilos ang mga grupong Tondo Foreshore Land People’s Alliance, Parola People’s Council, Alyansa ng Maralita sa Metro Manila at Sto. Niño de Tondo Parish.

Urong-sulong na resolusyon sa comfort women, binatikos

in
Noel Sales Barcelona

Binatikos ng mga kinatawan ng Gabriela Women’s Party ang pagbawi ng Kamara sa House Resolution No. 124 na nagsasabing dapat humingi ng tawad ang pamahalaang Hapon para sa panggagahasa ng mga sundalong Hapon sa mga Pilipina noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.